(Para mas madali, isusulat ko in Filipino (although not verbatim), dahil Filipino rin exchanges namin e. Karamihan ay mura so Parental Guidance at ito lang highlights, madami pa siya sinabi e)
Kanina, around 2pm, sumakay ako mula Herrera St. sa Makati to Net Cube, The Fort. Galing kasi ako sa office ni Ate Sara, kapatid ni Nixlove. Pinara ko unang taxi na nakita ko at sumakay ng maayos para mabilis makarating sa opisina.
Me: Net cube po, the fort.
Driver/grouchy old man: (Mataas na boses) Saan malapit dun?
Me: Sa may Jollibee ho.
(Byahe)
Nung malapit na sa office, nagpapara na ako pero parang hindi siya nakikinig kaya tatlong beses kong sinabing “para ho.”
Driver/Grouchy old man: Sandali lang!
Nairita na ako dahil hindi niya ako dapat sigawan, at malayo na rin ako sa main entrance ng office building. Pero nagpasensya ako. Pumatak ng 70 ang metro, nagbayad ako ng 500.
Driver/Grouchy old man: Lehce naman o, wala ka bang barya?!
(Sabay tapon niya ng P500 ko sa dashboard ng taxi niya. Uminit ang ulo ko.)
Me: Huwag niyo ho akong sigawan, puwede niyo sabihin ng maayos kung wala kayo panukli.
Driver/Grouchy old man: Putang*na dumaan na tayo shell di ka nagsabi! (sabay tapon ulit ng 500 sa dashboard)
Me: Putang*na rin, huwag mo ako mumurahin at wag mong itatapon ang pera ko!
Si Driver/Grouchy old man biglang hinarurot ang taxi at magpapalit daw siya sa shell, na malayo na sa office ko. Nagsuggest ako.
Me: Magwiwithdraw nalang ako o bibili ng pagkain, malayo ang shell.
Driver/Grouchy old man: Hindi, tang*na sa shell ako magpapapalit!
Me: E di tumatakbo pa rin ang metro? Loko ka pala e!
Driver/Grouchy old man: Talagang tatakbo ang metro, gago ka ba?
Me: Gago ka rin! Huwag mo akong ginaganiyan, gagong to!
(Murahan hanggang makarating sa Shell)
Pagdating sa Shell, bumaba ako at nagsisigaw at humingi ng tulong sa mga gasoline boy at naglabasan ang mga guwardiya.
Habang nagpapapalit si Driver/Grouchy old man, sinisigaw niya na wala akong modo kababae ko pa daw na tao.
Me: Sino ba nauna magmura? at magtapon ng pera? maayos kitang binayaran. Ikaw ang katanda mong tao walang modo at galang sa babae!
Driver/Grouchy old man: Ang tapang tapang mo, gago ka!
Me: Talagang matapang ako! Ako pa gusto mong gaguhin!
(Shocked mga gasoline boy, mukha siguro akong lalaki nung nakikipag-away.
)
(Binigay niya sukli ko, walang labis walang kulang pero syempre nadagdagan ang bill dahil tumakbo metro; Pinapakita ko rin sa kaniyang kinukuha ko plate number niya)
Driver/Grouchy old man: Tang*na mo, bumalik ka sa grade 1 at mag-aral ng modo!!
Me: Ikaw ang mag-aral, tanda mong iyan walang ugali! At UP graduate ako, tinuruan akong wag magpaloko at wag magpa-api, tang*na mo!
Driver/Grouchy old man: Tang*na mo!
Me: Mas tang*na mo!
————————–
—
Nashock din ako sa sarili ako. Alam kong feisty ako, suplada minsan, pero never ako nagpapa-api kahit kanino lalo na kapag ako ang nasa lugar.
Nareport ko na sa PNP, LTO at LTFRB at sinabi nila na pwedeng mawalan siya ng lisensiya.
Ako naman, gusto ko lang matuto siya gumalang sa tao (at babae). Ayoko man siyang mawalan ng trabaho, kailangan matuto siya ng leksyon.
Recent Comments